Inspiring Story of a Kubrador’s Son Who Graduated as a Nutritionist and a Master of Business Management

67

A son of a kubrador or bet collector recently graduated with a degree in nutrition and a Masters in Business Management, and is now a registered dietitian-nutritionist.

Ariestelo Asilo graduated from the prestigious University of the Philippines as a scholar, and also wrote and published an autobiography entitled, “Anak ng Jueteng.”

His father was a jueteng collector while his mother and grandmother were sweepstakes ticket vendors. He recalled being laughed at by his classmates and teachers during his elementary days because of the livelihood of his parents.

Asilo was able to pass the college entrance exams for UP and earned a scholarship. To support his studies, he became a working student.

He shared his journey in a Facebook post that went viral.

Iiyak na yan haha! Saktong drama lang to, promise 🙂Akala ko I could not go to College na noon kasi hindi talaga namin…

Posted by Ariestelo Asilo on Friday, June 1, 2018

Iiyak na yan haha! Saktong drama lang to, promise.

Akala ko I could not go to College na noon kasi hindi talaga namin kaya sabi ng Tatay ko na kubrador ng jueteng noong nabubuhay pa sya. Ang nanay ko sweepstakes ticket vendor kasama Lola ko. Naranasan ko din gawin parehas yan. Five years old ako marunong na akong magtinda hehe. Sabi lagi ng nanay ko magaaral kang mabuti ah. Ayan nga ubos na buhok ko hahaha

Tinatawanan ako ng teachers at classmates ko noong elementary ako kasi alam ng iba ang trabaho ng Tatay ko at alam din nila na nagtitinda ako ng ticket pagkakatapos ng school. Pero may teacher ako na natuwa kasi sabi nya sa Report Card ko— “helps mother sell ticket” and mataas grade nya sa akin sa Self-reliance. Nainspire ako magaral noong elementary gawa nya. Naging paborito ko yung Science subject na tinuturo nya.

Pagtungtong ko ng High School, mas nag aral akong mabuti at ginalingan ko dahil iniisip ko noon baka may makuha akong scholarship pang college. Nakagraduate naman akong Salutatorian at may Leadership award pa, oha! Kahirap din noon kasi nagtututor ako ng bata para may baon ako kasi minsan walang bola sa jueteng ang Tatay eh di wala akong baon. Pag weekend sa library lang ako sa amin sa Bauan kasi nagaadvance reading ako. Wala na yung library ngayon don.

Taong 2002 noon kabado na ako kasi I felt di na ako maka College kasi hindi namin pinaghahandaan eh. Pero noon supportive mga teachers ko sa Bauan Tech at magagaling classmates ko, sumama ako mag exam sa UPCAT. Pumasa naman ako! Kaso sabi ng tatay at nanay papano gastusin ko sa UPLB.

Swerte lang talaga siguro ako, natanggap ko kay Mrs. Jen Dumadag Arada yung application form para sa scholarship ng US Peace Corps Alumni Foundation for Philippine Development. Sila Mrs. Cely Abela Agdan at Mrs. Lena Marie ang tumulong sakin fill out yun. September 2002 nung sinubmit ko yun. Dasal ako ng dasal sa simbahan at sa lahat na ata ng anito at elemento sa lupa na sana matanggap ako. Kasi yun na lang talaga ang pag asa ko na makapag aral. Kakapaiyak.

Ilang ulit ako nagpunta doon sa post office para itanong kung may dumating na sulat na para sa akin. October, wala. November. December. January. Di naman uso pa email at facebook noon kaya di ko alam. Lagi akong kabado! Baka hindi na.

February 2003 nang biglang may sulat nga sakin sa post office! Galing sa Peace Corps! Natuwa sila kasi ako na mismo ang nagpick up at di na dadalhin sa amin. Di ko muna agad binuksan! Nagpunta ako sa simbahan at pinagdasal. Ayoko pa buksan!

Noong pauwi na ako at malapit sa sakayan, doon ko lamang binuksan… dahan dahan, kabado at naiiyak! Pagkabukas ko at habang binabasa ko, nakita ko na nakapasa ako! Nagtatalon ako at nagsisigaw! Wahaha! Parang tanga! Hehe. Andun pala Tito ko nagtatakbo sakin ano nangyari daw. Di ko na agad nasagot at napaakap na lang ako at talon ulit! Nakapasa ako sabi ko sa kanya at sinabi ko na makakapagcollege na ako! Yehey! Yahoo! Google! Haha.

Sinurprise ko Tatay at Nanay, the rest is history.

Kulit ano? So sa UPLB na ako nakapasok. 2003 ako nagstart doon at 2007 nag graduate. Working student din ako doon. Si Ate Jennifer Lee Bonto nagturo sa akin rumaket.

Pasalamat ako sa Nanay Rosemarie Alcantara Asilo ko kasi sobrang supportive at Tatay ko na napakamaintindihin. Noon napapadalhan ako ng 500 baon ko for two weeks sa UPLB. Minsan wala. Kahit papaano may padala sya. Yung Tita Rebecca ko supportive din kahit maligalig hahaha!

Itong picture ko ngayon na nakasablay reminds me a lot of what I went through since High School. Gusto ko lang makatapos sa College and here now, biruin mo magiging Master din pala ako. HARI NG SABLAY. Haha!

Sorry sa mga taong I’ve let down along the way, hindi ko po sinasadya mga pagkakamali. Naguguluhan din ako at nahihirapan. Pero kaya nga ito, i continue to improve myself din. You help me grow, really!

Nadepress ako at some point recently, pero fight! I felt lost din. Pero I realize, when you feel lost, look at what remains— your love ones. When you feel down, look up and seek Him. And when you feel ok, look at both and you’ll feel ok.

Maging masaya and if magkamali, accept it and be better. I am trying my best now para panindigan ang pangalawang degree ko. It is not only about the intelligence and tenacity, it is also about your diskarte, humility and patience.

Marami pa akong gagawin for my family and for myself. I am happy kasi napatapos ko na mga kapatid ko Von Asilo at Mabel Alcantara Asilo at may mga trabaho na sila. Step by step, future will be even brighter.

Sabi nga ng very supportive, understanding at bully (haha) na si Damien, success is silent. Tama! At minsan kahit matigas ulo ko, I learn naman.

To PCAFPD (RPJ, Maureen, Carol, Geraldine, Hans and Alex), my family, my love ones, bestfriend, mentor, fraternity brothers, circle of friends, thanks a bunch and I really promise to pass it forward! And inspire people! :))

Mukhang makakapanlibre tuloy ako ng Spaghetti sa SOS Children’s Village sa Lipa ah. Doon ako nag-birthday dati at naalala ko madami sa kanila gusto rin makatapos magaral. Ahoy, Pakitulungan nga po ako na makarating sa #Jollibee ito para may mascot at Jollibee chicken joy sila! Wish ko lang! Lols! Parehas pa naman kami ni Jollibee na nakangiti— bee happy. Hehe

Thank you God and thank you world for making me stronger, better and sablay. :))

Ariestelo A. Asilo, RND, MBM
BS Nutrition and Master of Business Management
University Scholar
University of the Philippines

(Master ding maginom ng red horse, haha, cheers!)

Ariestelo Asilo is proof that poverty is not a hindrance to success. As long as you are willing to work hard, you will achieve your dreams in life.

Add A Comment